dzme1530.ph

Naitatalang bilang ng daily COVID-19 cases sa bansa, posibleng manatili sa 600

Tinaya ng Department of Health na posibleng manatili sa 600 ang bilang ng daily COVID-19 cases sa bansa hanggang sa Hunyo.

Ayon sa kagawaran, tumaas ang tinamaan ng virus sa mga nakalipas na linggo bunsod ng pagdami ng mga taong lumalabas at nadagdagang variants ng COVID-19 na mas mabilis makahawa.

Umaasa naman si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na pagkatapos ng Hunyo ay bababa na muli ang mga kaso.

Sa nakalipas na linggo, lumobo sa 42% ang daily average ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Simula April 24 hanggang 30, nakapagtala ang bansa ng 4,456 COVID infections o average na 637 daily cases.

Na-detect din sa bansa ang Omicron subvariant na XBB.1.16 na kilala rin sa tawag na “Arcturus.”

About The Author