Posibleng maisa-pribado ang Ninoy Aquino Internationa Airport (NAIA) sa unang quarter ng 2024, depende sa proseso ng pag-a-award sa kontrata ng mapipiling concessionaire ng gobyerno, ayon sa Department of Transportation.
Kamakailan lamang ay nagsumite ang DOTr at ang Manila International Airport Authority ng kanilang joint proposal para sa NAIA solicited Public Private Partnership (PPP) project sa National Economic and Development Authority.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim na ang proseso ng privatization ay kailangan sumailalim sa ocular inspection sa mga pasilidad ng mga bidder o potential private concessionaire, kasama ang mga negosasyon sa Terms and Agreements na tiyak na matatagalan.
Inihayag din ni Lim na kailangan ng concessionare na mag-commit ng P141-billion investment para sa NAIA facilities. —sa panulat ni Lea Soriano