dzme1530.ph

DOTr, NAIA maaaring ipasara pag natapos ang mga paliparan sa Bulacan at Cavite

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na kapag nagbukas na ang mga airport na pinaplanong itayo sa Bulacan at Cavite, maaari nang ipasara ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung gugustuhin ng gobyerno.

Ayon kay Bautista, sa ngayon ay hindi pa tiyak kung mananatiling bukas ang NAIA sa oras na maging fully operational ang Bulacan at Sangley Airport.

Sa kabila nito, iginiit ng DOTr Chief na dahil sa lumalaking demand ng mga pasahero ay maaari pa rin namang sabay na mag-operate ang mga nasabing paliparan.

Matatandaang itinatayo na ng San Miguel Corporation (SMC) ang 740 bilyong piso na bagong Manila International Airport sa Bulacan.

Iginawad na rin ang 11 bilyong dolyar na kontrata para sa muling pag develop sa Sangley Airport.

Layunin ng mga bagong airport na ma-decongest ang NAIA sa harap ng iba’t-ibang problema nito.

About The Author