dzme1530.ph

Nagpapatuloy na tigil-pasada, walang impact sa pampublikong transportasyon sa bansa —DOTr

Walang impact sa pampublikong transportasyon sa buong bansa ang nagpapatuloy na tigil-pasada ng grupong MANIBELA.

Ito ang inihayag ni Dept. of Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang sabihin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na base sa kanilang nationwide monitoring ay hindi nito naapektuhan ang public transport service.

Giit ni Bautista, nabigo ang tigil-pasada matapos hindi sumali ang Magnificent 7, na may malaking bilang ng mga miyembro.

Kabilang dito ang Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers’ Association of the Philippines, Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide, Alliance of Concerned Transport Organizations, Federation of Jeepney Operators and Drivers’ Association of the Philippines, Stop and Go, at Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na hindi nagtagumpay ang transport strike ng MANIBELA na maparalisa ang naturang transportation service sa Metro Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author