dzme1530.ph

Ikalawang hukom sa natitirang drug case ni dating Sen. Leila de Lima, nag-inhibit

Nag-inhibit ang ikalawang hukom na humahawak sa natitirang drug case ni dating Senador Leila de Lima.

Sa isang order na inisyu, kahapon, kinatigan ni Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara ang motion ng Panel of Prosecutors ng Department of Justice na humiling ng kanyang “Voluntary inhibition.”

Sinabi ni Alcantara na nagpasya siya na alisin ang anumang kumu-kwestiyon sa kanyang kredibilidad, integridad, at pagiging patas.

Una nang naghain ang DOJ Prosecutors ng motion, sa dahilang si Alcantara ang hukom na nagpawalang sala sa halos kaparehong kaso laban kay de Lima noong May 14.

Una nang nag-inhibit sa final drug case ni de Lima si Muntinlupa City RTC Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author