dzme1530.ph

NACC, nagbabala laban sa social media pages na nag-aalok ng child adoption process

Nagbabala ang National Authority for Child Care(NACC) sa publiko laban sa mga social media page na nag-aalok ng child adoption process.

Kaugnay nito, nanawagan ang ahensya na i-report sa kanilang tanggapan ang mga Facebook pages at groups na nagsasagawa ng illegal adoption services.

Para sa nais na mag-ampon ng bata, maaari anilang lumapit o makipag-ugnayan sa kanilang ahensya o sa Regional Alternative Child Care Office(RACCO) para sumailalim sa ligal na adoption process. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author