Umaasa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mapupunan ng mga pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ang supply sa Angat dam sa Bulacan.
Sinabi ni Patrick Dizon, Division Manager sa Site Operations Management ng MWSS, na inaasahan ding mapupunan ng apat na bagyo ngayong buwan ang Angat dam at mapababagal ang pagbaba ng water level nito.
Ayon kay Dizon, dahil sa pag-ulan na nagsimula noong Miyerkules ng gabi ay bahagyang napabagal ang pagbaba ng water elevation sa Angat Reservoir.
Idinagdag din nito na sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ay karaniwang nare-replenish ang reservoir at tumataas ang lebel ng tubig. —sa panulat ni Lea Soriano