dzme1530.ph

Murang pabahay, alok ng GSIS sa mga miyembro nito

Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng housing program para sa kanilang mga miyembro.

Ito ang inihayag ni Arnulfo “Wick” Veloso, Pangulo at General Manager ng GSIS, sa layong bigyang dignidad ang mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaroon nito ng sarili nilang bahay.

Target aniya ng GSIS na matulungan ang kanilang mga miyembro na makakuha ng condominium unit na may lawak na 40 square meters sa halagang P12,000 at zero downpayment.

Ayon pa kay Veloso mayroon ding 600 units na ira-raffle para sa mga ito.

About The Author