dzme1530.ph

Munisipalidad ng Malabang sa Lanao del Sur, irerekomendang maisailalim sa COMELEC Control

Posibleng maisailalim ang Malabang, Lanao del Sur sa Comelec Control para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ay kasunod ng insidente ng pagpapaputok ng baril sa naturang munisipalidad sa kasagsagan ng paghahain ng Certificate of Candidacy.

Sinabi ni Gargia na personal niyang irerekomenda na mailagay sa kontrol ng poll body ang Malabang matapos paputukan ng baril ng dalawang indibidwal ang munisipyo noong Aug. 31.

Naniniwala ang poll chief na ginawa ito ng mga suspek upang takutin at pigilan ang mga naghahain ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na halalang pambarangay.

Sa impormasyon na natanggap ni Garcia, sumuko sa mga otoridad at nakakulong na ang mga suspek na tauhan umano ni Malabang Mayor Alinader Balindong. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author