Hindi irerekomenda ng Department of Health ang muling pag-o-obliga sa publiko na magsuot ng face mask sa kabila nang tumataas na bilang ng mga bagong COVID-19 infections.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tumaas man ang mga kaso ay hindi naman nakababahala, gaya sa mga nakalipas na taon.
Aniya, mula sa 274 cases kada araw noong nakaraang linggo ay umakyat ito sa 371 cases per day.
Idinagdag ni Vergeire na hindi man nila ikinu-konsidera na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask ay patuloy pa rin ang paghimok nila sa publiko na ingatan at proteksyunan ang kanilang sarili laban sa COVID-19, lalo na sa matataong lugar.