dzme1530.ph

MTRCB Chair Lala Sotto, iginiit na walang nilabag ang kiss ng kanyang mga magulang sa E.A.T.

Walang nilabag na Rules and Guidelines ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mag-asawang dating Senador Tito Sotto at Helen Gamboa.

Ito ang iginiit ng kanilang anak na si MTRCB Chairperson Lala Sotto, makaraang punahin ng ilang supporter’s ng “It’s Showtime” ang paghalik ni tito kay Helen sa “E.A.T.”

Sinabi ng MTRCB Chair na walang naging problema dahil ang kanyang mga magulang ay ehemplo ng mag-asawa.

Ang pagpuna ng mga supporter ng kalabang noontime show ay kasunod ng pagpapatawag ng MTRCB sa mga producer ng “It’s Showtime” bunsod ng umano’y “indecent acts” nina Vice Ganda at Ion Perez sa “Isip Bata” segment ng show noong July 25. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author