Naglaan ang pamahalaan ng P1.2-B ngayong taon para sa pagpapalakas ng Micro, Small, and Medium Enterprises.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), sa ilalim ng 2023 National Budget ay may P583-M alokasyon para sa MSME Development Plan ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi rin ng DBM na may P487-M naman ang inilaan para sa pagtatayo ng negosyo centers, P97-M para sa One Town One Product Next Gen Program, at P80-M sa shared service facilities.
Binigyang diin ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ang MSMEs ang nagsisilbing pundasyon ng ekonomiya kaya’t aalalayan sila ng gobyerno sa pagbangon mula sa epekto ng pandemya.