dzme1530.ph

MPD, nakabantay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw

Nakahanda na ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice ng mga kapatid nating muslim.

Ayon sa MPD, nasa 300 mga pulis ang kanilang ipakakalat upang masigurong magiging maayos ang pagdiriwang.

Sinabi ni MPD Brig. Gen. Thomas Ibay na ipoposte ang mga pulis sa mga Mosque o lugar na pagdarasalan.

Batay sa datos ng MPD-Public Information Office, inaasahang aabot sa 9,000 ang estimated crowd ng mga dadalong muslim sa Maynila.

About The Author