dzme1530.ph

MPD at PTFOMS, pinagtibay ang matibay na ugnayan ng PNP, MEDIA

Muling iginiit ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Paul Gutierrez na ang maayos na ugnayan sa pagitan ng Media at mga pulis ang magiging susi upang mapaganda ang relasyon ng magkabilang panig.

Sa pagdalo ni Gutierrez sa flag raising ceremony, sinabi nito na isa sa mga sandalan ng mga media personnel ay ang mga tauhan ng PNP, lalo na kung nagkakaroon ng banta sa buhay na may kaugnayan sa trabaho.

Bukod dito, ang mga pulis din umano ang makareresolba ng mga kaso sa pananakot, pagbabanta at pagpatay sa hanay ng media kaya’t maiging panatilihin ang magandang samahan.

Nagpapasalamat naman si Gutierrez sa suportang ibinibigay ng pamunuan ng MPD sa mga miyembro ng media at umaasa siya na magpapatuloy ito upang walang maging problema.

Ayon naman kay MPD Dir. Police Brig. Gen. Andre Dizon, makakaasa ang PTFoMS at ang lahat ng miyembro ng media partikular ang mga nasa Maynila na kasangga nila ang mga pulis para magbigay serbisyo at impormasyong dapat malaman ng publiko. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author