dzme1530.ph

Motorcycle riders na dadaan sa bicycle lanes sa EDSA, huhulihin ng MMDA simula ngayong Lunes

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huhulihin ang mga motorcycle rider na dadaan sa bicycle lanes sa kahabaan ng EDSA simula ngayong Lunes, Aug, 21.

Sinabi ng MMDA na hindi magamit ng bike riders ang lane na nakatalaga sa kanila bunsod ng malaking bilang ng mga motorsiklo na dumaraan doon.

Ipinaalala ng ahensya na ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga motorsiklo.

Ang mga mahuhuling motorcycle rider ay pagmumultahin ng P1,000 para sa Disregarding Traffic Signs. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author