Natupok ng apoy ang isang sasakyang pandagat na LADY RADIA sa karagatang sakop ng Zamboanga City, kamakailan.
Batay sa inilabas na ulat ng Coast Guard District Southwestern Mindanao, nangyari ang pagkasunog ng motorbanca na LADY RADIA pasado 7:50 ng gabi ng July 6, 2023.
Habang papalayo sa pantalan ng barangay Rio Hondo, sa Bayan ng Zamboanga City, sakay nito ang walong tripulante na patungo sana sa Baluk-Baluk Island, Basilan, dala ang humigit-kumulang 100 litro ng gasolina at iba’t ibang mga mahahalagang gamit.
Ayon sa mga nailigtas na crew na nagkaroon ng short circuit sa loob ng kanilang sinasakyang motorbanca habang sila ay naglalayag, na kalaunan ay nagdulot na ng sunog sa barko.
Agad namang nakatawag ng rescue ang nasabing insidente kung kaya’t mabilis na nagsagawa ng pag-apula ng apoy ang Philippine Coast Guard kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay ng search and rescue (SAR) operations.
Limang biktima kabilang na ang dalawang menor de-edad ang napaulat na nasugatan na kaagad na naisugod sa pagamutan ng Zamboanga City Medical Center para sa agarang medikal na paggamot, sanhi ng mga tinamong third-degree at second-degree na mga paso dahil sa insidente ng sunog sa dagat, habang ang tatlong tripulante ay ligtas naman at nasa mabuting kalagayan na.
11:30PM, ng gabi ng ideklara na BFP na fire out na ang sunog, agad ding nagsagawa ng pag-iinspeksyon ang Marine Environmental Protection Force-Southwestern Mindanao at Coast Guard Sub-Station Rio Hondo sa katubigan sa paligid para sa posibleng bakas ng oil spill na kalaunan ay nagbunga ng negatibong resulta. –ulat mula kay Felix Laban, DZME News