dzme1530.ph

“Monster Ship” ng China, naispatan sa Ayungin Shoal

Namataan kamakailan sa loob ng West Philippine Sea ang pinakamalaking maritime vessel ng China Coast Guard, ayon sa isang US Maritime Security Expert.

Sinabi ni dating US Air Force official at dating defense attache Ray Powell sa Twitter na naispatan ang “Monster Ship” ng China kasama ang mahigit 30 Chinese militia vessels sa Ayungin Shoal, sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Matatandaang July 2016 nang ibasura ng United Nations Permanent Court of Arbitration sa The Hague, batay sa kasong inihain ng Pilipinas, ang nine-dash line theory ng China na umaangkin sa buong South China Sea.

Sa makasaysayang ruling, pinagtibay ng Korte ang claims ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo, batay sa exclusive economic zone nito, sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author