dzme1530.ph

Monkeypox, hindi na isang global health emergency —WHO

Tinapos na ng World Health Organization (WHO) ang deklarasyon ng monkeypox bilang global health emergency.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang desisyon ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso sa buong mundo.

Sa datos ng WHO, bumaba ng 90% ang naitatalang kaso ng monkeypox kumpara noong nakaraang taon na pumalo sa mahigit 87,000 kaso at 140 deaths ang naitala mula sa 111 na bansa sa panahon ng global outbreak.

Ngunit binigyang-diin ng WHO Chief na nananatili pa rin itong banta, lalo na sa mga lugar sa Africa.

Nabatid na noong nakaraang linggo ay una nang inanunsyo ng WHO, na hindi na isang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) ang COVID-19.

About The Author