dzme1530.ph

Modernized gov’t procurement system, halos abot-kamay na sa pagpasa sa Kamara ng new gov’t procurement bill

Halos abot-kamay na ang pagtatatag ng modernized gov’t procurement system, sa pagpasa sa pinal na pagbasa sa Kamara ng Proposed New Gov’t Procurement Act.

Nagpasalamat ang Dep’t of Budget and Management sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pag-apruba sa House Bill no. 9648 o ang New Gov’t Procurement Reform Bill.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, kailangan nang tugunan ang mga agwat sa procurement system na idinulot ng pamamayagpag ng teknolohiya, na bumago sa sistema ng consumers, mga negosyo, at mga industriya.

Dahil pasado na sa Kamara, naniniwala si Pangandaman na malapit nang maisakatuparan ang makabago at pinagandang procurement system tungo sa transparency, accountability, at good governance.

Ang pag-reporma sa gov’t procurement system ay kabilang sa mga prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author