Isinusulong ng Bureau of Immigration ang modernization sa Airport operations upang masawata ang korapsyon.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tangsingco na sa pamamagitan ng modernisasyon ay mababawasan ang person-to-person contact at maiiwasan ang oportunidad na makagawa ng katiwalian at pang-aabuso mula sa Airport personnel.
Aniya, kapag automated kasi, wala nang mangyayaring usapan at sa makina nalang dadaan ang proseso.
Idinagdag ni Tansingco na ang ultimate goal ng ahensya ay makahabol sa mga teknolohiya na ginagamit sa ibang bansa.
Una nang inihayag ng Immigration Commissoner na humihirit sila na palitan ang kalahati ng manual counters sa airports ng electronic gates. —sa panulat ni Lea Soriano