dzme1530.ph

Modernisasyon sa AFP, dapat tuloy-tuloy at hindi pakitang tao lamang —DND Chief

Binigyang diin ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na dapat ma-sustain ang AFP Modernization at hindi dapat gawing pakitang tao lamang.

Sinabi ni Teodoro na ito ay upang magkaroon ang bansa ng “credible defense posture.”

Ipinaliwanag ng kalihim na nais niyang ma-acquire ang weapon systems at platforms sa ongoing modernization program upang magkaroon ang bansa ng kapasidad na harapin ang lahat ng banta sa seguridad.

Bagaman magastos ang pag-acquire ng bagong weapon systems at platforms, inihayag ni Teodoro na magiging “Synergistic”  o  collaborative at capable ito sa pagtugon sa iba’t ibang security challenges. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author