dzme1530.ph

MMDA, tutol na alisin ang EDSA Bus Carousel

Tinutulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga panawagang alisin na ang EDSA Bus Carousel.

Binigyang diin ni MMDA Chairperson Romando Artes na malaki na ang nagastos ang pamahalaan, at napaka-epektibo aniya ng naturang sistema na nagpabilis sa biyahe ng mga commuter.

Ibinida ni Artes na mula sa dating tatlong oras na biyahe mula Caloocan patungong MOA, vice versa, ngayon ay isa’t kalahating oras na lamang, dahil SA EDSA Bus Carousel.

Una nang umapela ang mga operator ng bus sa Metro Manila na payagan na silang bumalik sa kanilang mga ruta bago tumama ang COVID-19 pandemic, upang madagdagan ang kita ng mga driver. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author