dzme1530.ph

MMDA, nakahanda na sa transport protest ng 2 transport groups bukas; libreng-sakay, naka-antabay!

Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority sa ikakasang transport protest ng grupong PISTON at MANIBELA bukas, kontra sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni MMDA Chairman Romando Artes na simula alas-5 ng umaga bukas ay magmo-monitor na sila ng sitwasyon.

Sinabi pa ni Artes na kung magkakaroon ng distruption sa pampublikong transportasyon, kaagad silang magde-deploy ng mga libreng-sakay katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Samantala, iginiit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na determinado pa rin silang ipatupad ang PUV Modernization Program, dahil ang mga benepisyo nito ay mas matimbang pa rin kumpara sa mga sinasabing problema.

Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na ang pangunahing layunin ng programa ay ang kapakanan ng commuters, at sa oras umano na malagpasan ang lahat ng hamon nito, makakamit ang dramatic o malaking pagbabago sa transport system ng bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author