dzme1530.ph

MMDA naghahanda na sa pagdagsa ng tao sa kalsada ngayong pasko

Naghahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority sa posibleng influx ng mga sasakyan sa kalsada, isang linggo bago mag-pasko.

Ayon kay MMDA Strike Force Officer-in-Charge Gabriel Go, base sa kanilang datos, ang dami ng mga motorista sa Metro Manila ay karaniwang nagtataas bago mag-holiday.

Nagpakalat naman ang MMDA ng 2,000 tauhan sa iba’t ibang parte ng Metro Manila upang siguruhin ang mabilis na pagresponde sa anumang emergency at mapanatili ang peace and order sa lansangan.

About The Author