Muling nanawagan ang MMDA sa mga motorista na igalang ang batas trapiko at baguhin ang maling habit ng pagpasok sa EDSA Busway kung hindi naman awtorisado.
Ang panawagan ng MMDA kasunod ng pagkakahuli ng Special Operations Group-Strike Force sa higit 100 pasaway na motorista na patuloy parin dumadaan sa Edsa Busway.
Binigyan diin ng MMDA na ipapatupad nila ang mandato ng DOTr na patawan ng mataas na multa ang mga motoristang hindi otorisadong dumaan sa Edsa Busway upang madesiplina.
Ang pinapayagan lamang na gumamit ng EDSA Busway ay ang mga pampasaherong bus na nag-o-operate sa EDSA Busway, ambulansya, fire trucks, sasakyan ng PNP at service vehicles para sa EDSA Busway Project, mark vehicle ng Media at maintenance services. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News