dzme1530.ph

MMDA, inilarawan si BF bilang “man of few words”

Ikinalungkot ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagkamatay ni Chairman Bayani Fernando.

Sa statement ng MMDA, labis silang nabigla sa nangyari kay BF na nagsilbing chairman ng ahensiya mula June 5, 2002 hanggang November 25, 2009.

Si Fernando na inilarawan bilang “man of few words” ay isang mechanical engineer at nakilala sa pagiging “scientific at practical” sa paglutas sa mga problema ng Metro Manila.

Bukod sa pagiging hindi palasalita, workaholic din ito at disiplinarian sa kanyang mga tauhan sa MMDA.

Nang pamunuan nito ang MMDA isinulong ni BF ang rapid bus lanes at “Metro Guapo” campaign na nag-transform sa NCR bilang livable metropolis.

Sa huli pinasalamatan ng MMDA si BF sa magaganda nitong ambag sa pagsasayos ng kalakhang Maynila.

About The Author