dzme1530.ph

MMDA, hihigpitan ang panghuhuli sa mga motorcycle riders na sumisilong sa mga overpass simula Aug. 7

Mas magiging mahigpit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panghuhuli ng mga motorcycle riders na sumisilong sa mga overpass, simula sa Lunes, Aug. 7.

Ginawa ni MMDA acting Chairperson Don Artes ang babala makaraang ipatupad ng ahensya ang P1-K multa sa mga motoristang lumalabag sa regulasyon, simula noong Martes.

Nilinaw ni Artes na ang hinuhuli lamang nila ay mga rider na wala talagang intensyon na magsuot ng kapote at tumatambay lang sa ilalim ng overpass.

Sinabi ng MMDA Chief na kakaunti lang naman ang nahuli nila sa unang araw subalit sa susunod na linggo ay mahigpit na nilang ipatutupad ang polisiya laban sa mga rider na nagpapatila ng ulan sa gitna ng kalsada.

Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-usap sa ilang gasoline stations hinggil sa paglalagay ng temporary tents o shelters para sa motorcycle riders kapag malakas ang ulan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author