dzme1530.ph

MIYEMBRO NG OPOSISYON SA CAMBODIA, SININTENSYAHANG MABILANGGO SA MASS TRIAL.

Sinintensyahang mabilanggo ng korte sa Cambodia ang tatlumpu’t anim na miyembro ng oposisyon, dahil sa Treason o pagtataksil sa gobyerno ng Cambodian Strongman Ruler na si Hun Sen.

Kabilang sa mga hinatulan ang Exiled Opposition Leader na si Sam Rainsy, na nauna nang pinatawan ng life sentence dahil sa pagbibigay ng teritoryo ng bansa sa isang foreign entity.

Labing-isang personalidad mula sa binuwag na Cambodia National Rescue Party ang sinintensyahan ng pitong taong pagkakulong, at tinanggalan din sila ng karapatang makaboto sa loob ng limang taon.

Dalawampu’t walang aktibista rin ang pinatawan ng limang taong pagkabilanggo.

Karamihan sa mga hinatulan ay nasa ibang bansa upang takasan ang umanoy politically motivated na mga kaso.

About The Author