dzme1530.ph

Miss Universe Philippines Michelle Dee, isa nang ganap na reservist ng Air Force

Natapos na ni Michelle Dee ang kanyang training bilang reservist ng Philippine Air Force.

Sa instagram, ibinahagi ng Miss Universe Philippines 2023 ang ilang mga litrato ng kanyang graduation ceremony.

Sa mga larawan, dinala ni Michelle ang military fatigue uniform, gaya nang kung paano niya dalhin ang swimsuit o evening gown sa pageant.

Nakasaad sa caption ni Sgt. Michelle Marquez Dee na “the best way to find yourself is to lose yourself in the service of others.”

Kasama ni Michelle sa kanyang graduation ang kanyang ina na si Miss International 1979 Melanie Marquez. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author