dzme1530.ph

Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, umamin na isa siyang bisexual

Ilang linggo makaraang koronahan bilang Miss Universe Philippines 2023, inamin ni Michelle Dee na isa siyang bisexual, kasabay ng pagbibigay diin na higit pa siya kaysa sa sarili niyang gender.

Sinabi ni Michelle na matagal na niyang alam na isa siyang bisexual at attracted siya “To all forms of beauty, all shapes and sizes.”

Isiniwalat din ng Beauty Queen na pinayuhan siyang magsalita tungkol sa kanyang gender nang sumali siya sa Miss Universe Philippines, subalit hindi niya gusto na ma-focus ang kanyang journey sa kanyang gender orientation.

Bago si Michelle ay nauna na si Beatrice Luigi Gomez mula sa Cebu na umamin na isa siyang bisexual woman na sumali at nanalo ng Miss Universe Philippines title, at nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe Pageant noong 2021. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author