dzme1530.ph

Misdeclared “accessories” na naglalaman ng mahigit P80-K halaga ng wildlife mula Malaysia, nakumpiska ng BOC-NAIA, DENR 

Pinuri ng Traffic Southeast Asia, at ni Customs Commissioner Bien Rubio ang magkatuwang na pagsisikap ng BOC-NAIA, ESS-EPCD, at DENR, sa kanilang ganap na pagtuon sa pagpuksa na labanan ang ilegal na pangangalakal ng wildlife sa ating bansa.

Matapos ang matagumpay na pagharang sa isang shipment sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City kung saan nakumpiska ang limang (5) ulo ng pacman frogs na nagmula sa Malaysia na tinatayang may market value na nagkakahalaga ng P81,795.00, na idineklara bilang “accessories” at naka-consigneed sa isang addressee sa San Pedro Laguna.

Sinabi ng BOC na labag sa batas na pangangalakal ng wildlife na may kaakibat na pagkakasala at direktang paglabag sa Republic Act (RA) no. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA no. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Alinsunod anila sa batas ang mga nakumpiskang wildlife ay kaagad ipinasa sa (DENR) para sa maayos na pag-iingat at karagdagang kinakailangang aksyon at pagprotekta. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author