Naniniwala ang minorya o 45% ng mga Pilipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Base sa naging resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, nito lamang buwan ng Marso, umabot sa 42% ng mga Pilipino ang nagsabing mananatili ang kalidad ng kanilang buhay sa susunod na taon, 6% ang naniniwalang magiging malala ang kanilang pamumuhay habang 7% ang hindi nagbigay ng kanilang sagot.
Ayon sa SWS, ang net personal optimism score ay nasa +38, na classified bilang “Very High”, na 6 na puntos na mababa mula sa “Excellent” score na +44 na naitala noong December 2022 survey.