dzme1530.ph

Mining Company nanindigang legal ang kanilang operasyon sa Sibuyan Island

Itinangi ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) ang alegasyon na ilegal silang nag-ooperate sa Sibuyan Island sa Romblon.

Ayon sa APMC, nakakuha sila ng permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mag-explore, mag-trasport at mag-ship ng mga ore samples.

Dagdag pa ng Mining Company na may hawak silang permit at valid ito para sa pag-sasagawa ng operasyon sa isla.

Ayon pa sa APMC, nakakuha rin sila ng DENR Approved Exploration Program at sinasabing lahat ng kanilang hakbang ay may pahintulot ng ahensya.

Mababatid na kamakailan ay naglabas ang Environment Management Bureau ng DENR MIMAROPA ng Notices of Violation sa Mining Company dahil umano’y paglabag sa Clean Water Act at Toxic Substances at Waste.

Sinabi din ng ahensya na ilegal din pagpuputol ng sa mga puno na ipinagbabawal sa Forestry Code.

About The Author