dzme1530.ph

Mimiyuuuh: “Never date someone na walang pera”

“Never date someone na walang pera. Money really matters.”

Ito ang matapang na sagot ng social media star na si Mimiyuuuh matapos siyang hingian ng life and love advices para isang magazine issue.

Ayon kay Mimiyuuuh, napaka importante ng pera sa isang relasyon.

Kailangan aniya na maging financially stable muna bago magdagdag o magpapasok ng ibang tao sa ating buhay.

Lesson learned aniya ito para sa vlogger dahil nagkaroon siya ng karelasyon na mayroong malaking utang sa kanya at hanggang ngayon ay puro ‘excuses’ na lang sa tuwing sinisingil niya.

Pahabol na advise ni Mimiyuuuh sa mga naging uto-uto kagaya niya, “Take it na lang as consequence, kasi nga, nag-date ka ng walang pera.” —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author