dzme1530.ph

Microphone na ibinato ni U.S Rapper Cardi B sa isang fan, isinubasta; presyo, umabot na sa halos $100-K

Umakyat na sa halos $100,000 ang presyo sa auction ng microphone na ibinato ng kilalang US Rapper na si Cardi B sa isang fan na tinapunan siya ng tubig sa kalagitnaan ng kanyang Las Vegas Concert.

Sa EBay Bidding War, nagkakahalaga ng $99,900 ang Shure Axient Digital Mic na binato ng rapper.

Nagsimula sa $500 ang presyo nito sa bidding na pinag-aagawan ng 120 bidder.

Ang naturang microphone ay in-auction ng The Wave Production Company at ang mapagbebentahan aniya nito ay mapupunta sa dalawang charity na The Wounded Warrior Project at Friendship Circle Las Vegas na isa namang local Vegas Charity.

Nabatid na sinampahan pa nga ng kaso ng babaeng binato ng microphone si Cardi B ngunit hindi ito kinatigan ng Korte dahil sa nakitang ebidensya sa video ng kaniyang pagtapon ng tubig. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author