Hinimok ni Cagayan De Oro City 2nd Dist. Cong. Rufus Rodriguez, si Maharlika Investment Corporation (MIC) President at Chief Executive Officer Rafael Consing, Jr. na ipaliwanag ang fraud o stafa case na kinasangkutan nito at kanyang ina.
Ayon kay Rodriguez, sinabi ni Consing na dismissed na ang kaso, pero hindi naman nito dinitalye kung saan at kailan isinampa ang kaso, at anong korte ang nag-dismissed nito.
Hamon nito, isapubliko ni Consing ang detalye at magpakita ng katibayan ng dismissal para mapanatag ang kalooban ng ilan at makita na ang taong hahawak sa Maharlika Investment Fund na may tens of billions assets ay kwalipikado.
Batay sa implementing rules and regulations ng Republic Act 11954, ang batas na lumikha sa MIF, bawal i-appoint sa MIC board of directors sa loob ng 5-taon ang mga sumusunod:
Kung ito ay nahatulan by final judgement sa kasong ang parusa ay mahigit anim na taon ang pagkakakulong; nahatulan administratively dahil sa fraudulent acts; kung nahatulan by final judgement ng foreign court o equivalent foreign regulatory authority for acts, violations o misconduct.
Kung ito ay may pending administrative, civil o criminal case dahil sa fraud, plunder, corrupt practices, money laundering, tax evasion, o kahalintulad na kaso gaya ng misuse of fund.
Sa record ng Supreme Court E-Library, ang G.R. Case No. 161075 na may petsang July 15, 2013, ang hinihinalang fraud/stafa complaint laban kay Consing at ina nito, kung saan si Executive Secretary Lucas Bersamin ang sumulat ng desisyon nung ito ay Chief Justice pa.