dzme1530.ph

Miami Heat, nakabawi sa Denver Nuggets sa Game 2 ng NBA Finals

Nakabawi ang Miami Heat kontra Denver Nuggets, sa score na 111-108, sa Game 2 ng NBA Finals.

Dahil dito, naitabla ng Heat sa 1-1 ang best-of-seven series.

Pinangunahan ni Gabe Vincent ang Miami sa pamamagitan ng kanyang 23 points habang sina Jimmy Butler at Bam Adebayo ay nag-ambag  ng tig-21 points.

Sinubukan ng Denver na habulin ang score subalit naubusan na ng oras si Jamal Murray.

Pinangunahan naman ni Nikola Jokić (YOW-KUHCH) ang Nuggets sa kanyang game-high na 41 points.

Ang Game 3 ng NBA Finals ay gaganapin sa balwarte ng Heat.

About The Author