Pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga ariline company na tiyaking maaabisuhan agad ang kanilang pasahero tuwing nagpapatupad ng red lightning alert ang Ninoy Aquino international Airport.
Ayon kay MIAA Officer-In-Charge Bryan Co, bukod sa mga nakasakay na sa eroplano, dapat agad ding maabisuhan ang mga naghihintay pa ng boarding call gayundin iyong mga patungo pa lamang sa mga paliparan.
Kung misan kasi, 3 beses sinuspinde ang flight at ground operations sa NAIA bunsod ng mahigit 2-oras na pag-ulan dulot ng thunderstorm na sinabayan pa ng dumadagundong na kulog at matatalim na kidlat.
Noong 2022, aabot sa kabuuang 439 na Lightning Red Alert ang idineklara sa paliparan na kadalasang tumatagal ng mahigit 1-oras bago ibaba sa Yellow Alert.
Kasunod nito, sinabi ng MIAA na regular at real time silang nagpo-post ng anumang anunsiyo hinggil sa operasyon ng NAIA upang kaagad na maabisuhan ang publiko sa mga emergency situation. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News