dzme1530.ph

MIAA, may persons of interest na sa kaso ng taxi driver na naningil ng sobrang pasahe sa grupo ng mga Taiwanese

Mayroon nang Persons of Interest ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa insidente ng pag-o-overcharge ng taxi driver sa grupo ng mga Taiwanese na siningil nito ng hanggang P10-K bawat isa.

Lumilitaw na may iba pang mga indibidwal na posibleng sangkot sa scam, kabilang ang isang security guard sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagdala umano sa mga dayuhan sa scammer na taxi driver.

Ayon sa MIAA, nakita sa CCTV ang ilang indibidwal na posibleng may kinalaman sa panloloko sa mga banyaga.

Umaasa ang ahensya na makukumpleto nila ang kanilang imbestigasyon sa susunod na linggo.

About The Author