Kumpiyansa si Manila International Airport Authority General Manager Cesar Chiong na mapapawalang sala ito at malilinis ang kanyang pangalan matapos bigyan ng pagkakataong ihayag ang kanyang panig kaugnay sa preventive suspension na ipinataw sa kanya ng Ombudsman.
Sa isang statement, sinabi ni Chiong na natanggap niya ang hatol mula sa Ombudsman na may petsang April 28, 2023 dahil umano sa pag-re-assign nito sa ilang tauhan ng MIAA, bilang bahagi ng pagsisikap na pagandahin ang operasyon ng paliparan.
Inilahad ni GM Chiong sa pahayag ang kalagayan ng ahensiya sa ilalim ng kanyang sasandaling pamumuno kung saan ay napalago nito ang pondo ng ahensiya kahit walang subsidiya galing sa pamahalaan.
Marami pa aniya siyang kailangang gawin subalit kailangan muna niyang ituon ang kanyang pansin sa mga kinahakarap nitong legal na usapin.
Isang reklamo ng pag-abuso sa kapangyarihan ang isinampa ng isang di nagpakilalang complainant sa Ombudsman laban kay GM Chiong.