dzme1530.ph

Mga unang litrato ni Pope Francis matapos sumailalim sa operasyon, inilabas ng Vatican

Inilabas ng Vatican ang mga unang litrato ni Pope Francis matapos sumailalim sa Abdominal surgery, senyales ng patuloy na recovery ng Santo Papa bago ang inaasahang paglabas niya sa ospital sa mga susunod na araw.

Makikita sa mga litrato si Pope Francis na nasa wheelchair habang binibisita ang Cancer Ward for Children sa Gemelli Hospital sa Rome, na katabi lamang ng inu-okupa nitong kuwarto sa loob ng mahigit isang linggo.

Noong June 7 ay sumailalim ang 86-anyos na Santo Papa sa tatlong oras na operasyon para ma-repair ang Abdominal Hernia.

Kanselado naman ang mga engagements ni Pope Francis hanggang sa June 18. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author