Ilang turista ang na-stranded sa Batanes dahil sa bagyong Betty.
Ayon kay Batanes Emergency Operation Center Justinne Jerico Socito, nagpasya ang mga ito na manatili sa lugar kahit masama ang lagay ng panahon.
Tiniyak naman aniya ng pamahalaang panlalawigan na maibibigay sa mga stranded na turista ang mga kinakailangan nito.
Nakahanda namang tumanggap ng mga ililikas na residente ang 22 Evacuation Center habang kabuuuang higit 6,800 family food packs mula sa DSWD ang naka-preposition na.
Sa ngayon, nakararanas ng maulap na kalangitan, malakas na hangin at matinding alon sa dagat ang Batanes kung saan ipinagbawal na rin ang pagpalaot ng mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat. —sa panulat ni Airiam Sancho