dzme1530.ph

Mga tsuper, hinimok na pairalin ang kultura ng respeto sa lansangan

Kasabay ng paggunita sa World Day of Remembrance for Road Traffic Victims, hinikayat ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga tsuper na pairalin ang kultura ng respeto sa lansangan.

Naniniwala ang senador na kung iiral ang respeto sa lansangan ng mga driver sa kapwa driver at iba pang tao sa kalsada ay maiiwasan ang anumang aksidente.

Binigyang diin ng mambabatas ang kahalagahan ng road safety promotion and education upang bigyang pugay at alalahanin ang mga nasawi dahil sa aksidente sa kalye.

Sa pamamagitan lamang anya ng road safety promotion and education ay maidadakila ang mga binawian ng buhay dahil sa mga aksidente sa lansangan.

Malaking tulong din naman anya ang kanyang “Motorcycle Helmet Act of 2009” upang bumaba ang namamatay ng mga rider sa mga vehicular crashes.

Samantala pinarangalan ang senador ng Motorcycle Philippines Federation bilang Ambassador for Motorcycle Road Safety at Road Safety Warrior. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author