dzme1530.ph

Mga tauhan ng PDEG, ipinasasalang sa lifestyle check at iba’t iba pang medical test

Inirekomenda ni Sen. Raffy Tulfo na isailalim sa lifestyle check, periodic drug testing, reshuffling, polygraph test at neuropsychiatric test ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group.

Ito anya ay upang mabawasan ang posibilidad na masangkot sa operasyon ng iligal na droga ang mga pulis.

Sa iminumungkahing reshuffle, sinabi ni Tulfo na dapat ay hindi nagtatagal sa isang designation ang anti-drug personnel ng tatlo hanggang apat na taon.

Dapat anya ay itinatalaga sa ibang duty ang isang Anti-drug personnel kada dalawang taon upang mabura ang anumang koneksyon na mabubuo nila sa mga sindikato ng droga.

Idinagdag pa ng senador na bago mabigyan ng panibagong taon ng kontrata ang isang PDEG personnel ay dapat sumailalim ito sa polygraph test upang i-check ang kanyang pagkatao.

Bukod dito, kailangan ding dumaan ang personnel sa Neuropsychiatric Test para matiyak na hindi nagbago ang pag-uugali nito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author