dzme1530.ph

Mga tauhan, kagamitan ng DPWH, nakahanda na sa posibleng epekto ng papalapit na bagyo

Nakaposisyon na ang quick response assets ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng nagbabadyang bagyo.

Ayon kay DPWH sec. Manuel Bonoan, may mga tauhan at kagamitang naka-deploy sa national roads na maaaring rumesponde at magamit sa oras na magkaroon ng pagsasara ng mga kalsada.

Matatandaang una nang inatasan ni Bonoan ang mga maintenance crew ng departamento na magputol ng sanga ng puno at magsagawa ng de-clogging sa mga drainage at waterways upang mapigilan ang posibleng pagbaha.

Sa ngayon, mahigpit na naka-monitor ang Disaster Risk Reduction Management Teams ng Regional at District Engineering Offices ng DPWH sa mga anunsiyong inilalabas ng PAGASA.

About The Author