Humarap sa unang pagdinig ng DOJ panel of prosecutors ang mga suspect sa scam hub na naaresto sa raid ng pulisya sa Mabalacat, Pampanga, kamakailan.
Ayon kay Atty. Charisse Castillo, tagapagsalita ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), bigo ang mga suspek na makapaghain ng counter affidavit o kontra-salaysay.
Katwiran aniya ng mga respondent, sa preliminary ínvestigation lamang nila unang nakaharap ang kanilang mga abogado.
Dahil dito, binigyan aniya ng sapat na panahon ng panel ang mga suspek at kanilang mga abogado upang maihanda ang kanilang depensa.
Matatandaang sinalakay ng mga otoridad ang Clark Sun Valley Hub Corporation sa Clark Freeport and Special Economy Zone sa Mabalacat, Pampanga, kung saan nailigtas ang mahigit 1,000 katao na ginagamit umano sa scam ng mga suspek.
Kabilang sa mga nadakip ang 10 suspek na kinabibilangan ng Chinese at Indonesians. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News