dzme1530.ph

Mga substandard na paputok, kinumpiska ng DTI sa Bocaue, Bulacan

Mahigit 170 substandard na mga paputok na binebenta sa Bocuae, Bulacan ang kinumpiska ng Department of Trade and Industry.

Matapos ang inspeksyon ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau, dalawang retailers ang nadiskubreng lumabag sa pagbebenta ng unlicensed fireworks.

Sinabi ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na bagaman mayroong Philippine Standard Mark at lisensyado ang manufacturer, ang mga binebenta namang items ay hindi kasama sa listahan ng mga modelo na inaprubahan ng ahensya.

Nagbabala rin si Nograles sa mga consumer na mapanganib gumamit ng mga substandard na mga paputok.

About The Author