Mahalagang malaman ang mga senyales ng Traumatic Brain Injury.
Ayon kay Dr. Gillian Schmitz, Presidente ng American College of Emergency Physicians, ang Traumatic Brain Injury ay lubhang nakapipinsala sa function ng utak.
Karaniwang sanhi nito ang pagkahulog at matinding pagbagsak o pagtama ng ulo sa isang bagay, sports injury, at iba pa.
Ilan naman sa mga senyales ng Brain Traumatic Injury ang pagsakit ng ulo, panghihina, pagsusuka, pagkalito, at problema sa pagsasalita.
Kaya ipinayo ni Dr. Schmitzs na ugaliin ang pagsusuot ng protective equipment habang nasa recreational activities at alisin din ang mga hazardous materials sa loob ng bahay kasabay ng paalala na ang pagbalewala sa mga nabanggit na sintomas ay posibleng maglagay sa mas malalang komplikasyon nito. —sa panulat ni Airiam Sancho