dzme1530.ph

Mga sasakyan ng pamahalaan unti-unting papalitan ng E-Vehicle —DOE

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na unti-unting magpapalit ng mga sasakyan ang Pamahalaan ng e-vehicle pagsapit ng taon 2040.

Ito ang kinumpirma ni Energy Sec. Raphael Lotilla matapos ang paglulunsad nito kahapon ng kauna-unahang electronic bus sa bansa na nagkakahalaga ito ng P29-M, kabilang na ang charging station.

Kaya umano ng Electronic Bus na ito na magsakay ng 47 pasahero.

Aminado ang Kalihim na lubhang mas mahal ito kumpara sa pangkaraniwang bus subalit malaki aniya ang maitutulong nito lalo na sa pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kalikasan.

Paliwanag pa ng Kalihim, nakasaaad sa Comprehensive Road Map ng bansa para sa Electric Vehicle Industry na kailangang magpalit na ng e-vehicle ang kasalukuyang mga sasakyan ng Pamahalaan simula sa taong 2030. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author