dzme1530.ph

Mga retiradong militar, uniform personnel, posibleng mag-alboroto kapag binago ang kanilang pensyon

Posibleng magrevolt o mag-alboroto ang mga retiradong militar at uniformed personnel kung gagalawin ang sistema ng kanilang pensyon na kasalukuyang umiiral.

Ito ang babala ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng pahayag ni Finance sec. Benjamin Diokno na magdudulot ng fiscal collapse sa bansa ang patuloy na paglobo ng gastos ng pamahalaan sa pensyon ng mga MUP.

Ayon kay dela Rosa, hindi dapat isisi sa pensyon ng mga retiradong MUP ang posibleng pag collapse ng fiscal system ng bansa.

Iginiit ng senador na retiradong heneral ng PNP, ang pensyon ng mga MUP ay bilang pagkilala sa sakripisyo at pagbubuwis nila ng buhay para sa bansa noong sila ay nasa serbisyo pa.

Isa sa solusyon na iminumungkahi ni dela Rosa na ipatupad ang reporma sa pensyon sa mga bagong entrants’ o pasok sa uniformed services.

Hindi aniya kasalanan ng mga retirees ang kasalukuyang sistema ng pensyon at hindi rin makatarungang bigla itong babaguhin para sa kanila. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author